Women’s rights party list group, positibong maisusulong ang Divorce Bill matapos ang legalisasyon nito sa bansang Malta
KUMBINSIDO ang Gabriela Women’s Party List group na mailulusot rin nila sa Kongreso ang panukalang batas hinggil sa “divorce.”Ang reakyson ay kasunod na rin ng pagkilala sa Pilipinas bilang katangi-tanging bansa sa buong mundo na walang legal provision sa “divorce” matapos maisabatas sa Catholic State na Malta ang panukala tungkol dito, kamakalawa.
Dati ang Malta kasama ang Pilipinas, ay mahigpit na tutol sa tuluyang paghihiwalay ng mag-asawa, pero dahil sa pangyayari sinabi ni Gabriela Rep. Luz Ilagan nang maka-usap ng Radyo Mo Nationwide, positibo sila bagama’t isa itong malaking hamon lalo pa hindi sang-ayon ang mga kaparian sa bansa sa nasabing usapin.
Kaugnay nito, naniniwala naman ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi matutukso ang Pilipinas na sundan ang yapak ng ibang bansa. Sinabi ni CBCP, Spokesman Fr. Francis Lucas, wala aniyang ibang mabuting layunin ang “Divorce Bill” kundi wasakin ang kasagraduhan ng isang pamilya na itinuturing na pinaka-mahalagang bahagi ng lipunan.

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket



