Walang nakumbinsi si Gloria!

Source: 
Abante-Tonite

Sa mga datos namang ibinigay ng Pangulo na anito’y nagpapakitang umuunlad ang Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon, nangibabaw muli ang pagdududa. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Liza Maza, hanggang sa panghuling SONA ay puro kasinunga-lingan pa rin ang iniuulat ni Mrs. Arroyo. “A string of lies. It’s a pity that in her last SONA, she still didn’t tell the truth about the real situation of our country,” ani Maza.