Signature campaign vs Con-Ass solons
Inilunsad na ng mga progresibong mambabatas ang kanilang signature campaign laban sa mga kongresista na nasa likod ng masidhing pagsusulong sa Charter change (ChaCha) sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).
Ito ang napag-alaman ng Abante TONITE kina Gabriela party-list Rep. Liza Maza at Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño habang nasa Davao City ang mga ito para mangalap ng lagda.
Nabatid sa dalawang mambabatas na nangalap ang mga ito ng mga pirma kasama ang ibang miyembro ng party-list group sa hanay ng mga constituents ni House Speaker Prospero Nograles sa unang distrito ng Davao City.
“Binubulabog namin si Speaker Nograles dito, kumukuha kami ng anti-Con-Ass signature sa kanyang distrito,” pahayag ni Casiño kung saan marami-rami na rin umano ang lumagdang kababayan ni Nograles na kontra sa ChaCha.
Indikasyon aniya ito na hindi lahat ng mga kinakatawan ni Nograles sa Kamara ay pabor sa kanyang isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas partikular na sa paraan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Isusunod umano ng grupo ang distrito nina House majority leader Arthur Defensor sa Iloilo, Cebu Rep. Pablo Garcia, Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, Pampanga Rep. Mikey Arroyo, La Union Rep. Victor Ortega at iba pang pro-Con-Ass congressmen.
“We want them to know that their voice in the House of Representatives is not the real voices of their constituents. Na sila lang talaga ang may gustong amyendahan ang Konstitusyon,” ayon naman kay Maza.
Sa sandaling makapa-ngalap ng mga anti-Con-Ass signatures, ilalatag ang mga nakalap na lagda sa plenaryo ng Kamara o kaya’y sa House committee on constitutional amendments para patuna-yang ayaw ng mga cons-tituents ng mga pro-Con-Ass solons na baguhin ang Saligang Batas at maging ang sistema ng gobyerno.

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket



