Rep. Maza may bwelta kay Palparan
“Mga kambal na asong ulol sila sa Kongreso!” Ito ang bansag ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza kina Bantay partylist Rep. Jovito Palparan at Aliance for National and Democracy (ANAD) partylist Rep. Pastor Alcover matapos akusahan ang Fil-Am activist na si Melissa Roxas bilang miyembro ng New People’s Army.
“Tila iyang si Palparan at ang kambal niyang si Alcover ay
mga asong ulol sa loob ng Kongreso na walang ibang alam kundi ang
kumahol at magkalat ng rabis,” ani Maza.
Ayon sa kongresista, ang pag-aakusa ng dating military official
na si Palparan at ni Alcover kay Roxas ay isang ‘rehashed
accusations’ katulad ng pag-aakusa nila kay Bayan Muna party-list
Rep. Satur Ocampo kung saan ang kasong rebelyon nito ay matagal
nang ibinasura ng Korte Suprema.
Aniya, tila tinatamaan sila ng mga akusasyon ni Roxas na mga miyembro
ng militar ang siyang dumukot at nag-torture sa loob ng kampo ng
militar noong nakaraang Mayo kaya nagawang akusahan ang dalaga na
miyembro ng NPA.
“They appear to be so defensive amidst allegations that they
have a hand in the string of human rights abuses in the country,”
pagbibigay-diin pa ni Maza.
Binatikos din nito si Alcover sa pagiging walang modo nito nang
akusahan nito si Commission on Human Rights (CHR) chairperson Leila
de Lima na may koneksyon umano sa mga komunista.

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket



