PNoy pinuna sa pagpili ng susunod na lider ng Comelec

Source: 
GMANews Online

MANILA – Binalaan ng ilang kongresista si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III nitong Huwebes kaugnay sa ginagawang pagpili sa susunod na lider ng Commission on Elections (Comelec).

Inalmahan nina party-list Reps Neri Comenares (Bayan Muna) at Emmi de Jesus at Luzviminda Ilagan (kapwa ng Gabriela), ang ginawang pagkonsidera ni Aquino na isama sa mga pagpililian si election lawyer Romulo Macalintal, na naging abogado ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga.

Sinabi ni Comenares na nabahala siya nang aminin ni Aquino na kasama sa mga kinapanayam nito para sa pinakamataas na posisyon sa Comelec si Macalintal. Hindi umano dapat kalimutan ni Aquino ang ginawang pag-abogado ni Macalintal kay Arroyo tungkol sa mga kontrobersiyang naganap sa nakaraang administrasyon.

“I don’t think the appointment of Atty. Macalintal to the Comelec will enhance the credibility of the commission. Not just because he is Gloria Arroyo’s lawyer but because he supported and advocated her most anti people policies and alleged anomalies such as the Hello Garci scandal and among others," ayon sa kongresista.

Hindi naman umano maunawaan nina De Jesus at Ilagan kung bakit ikinunsidera ni Aquino si Macalintal sa short list ng mga papalit kay Chairman Jose Melo na nagbitiw sa puwesto simula sa Enero 31.

“This is another political absurdity of President Aquino's governance. Even entertaining Macalintal for the Comelec position is already questionable," ayon kay De Jesus.

“This is another puzzling or strange move of the Aquino administration to consider Macalintal. It seems to be bent on continuing the Arroyo track by rehiring, retaining recruiting people associated with GMA (Arroyo)," hirit ni Ilagan.