Pagtapyas ng VAT sa langis, tugon sa oil crisis ng Phl - solons

Feature: 
Source: 
BOMBORADYO online
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na hindi makatwiran na kumita ang pamahalaan mula sa windfall tax revenues dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis na nag-ugat sa tensyong pulitikal sa Gitnang Silangan.

Ang apela ng mambabatas ay kasunod ng paghahain ng House Bill 4355 para i-regulate ang oil industry sa pamamagitan ng price controls at stabilization at ang pag-buy back at centralization ng oil procurements.

Maging sina Reps. Neri Colmenares (Bayan Muna), Rafael Mariano (Anakpawis), Luz Ilagan at Emmi de Jesus (Gabriela Womens Party), Raymond Palatino (Kabataan) at Antonio Tinio (ACT Teachers) ay naniniwalang ito ang pangmatagalang solusyon laban sa mga kompanya ng langis sa bansa.

Ang presyo ng gasolina ay matatandaang tumaas ng P5.25 kada litro habang ang krudo naman ay tumaas ng P5.00 kada litrong ibinibenta sa Metro Manila.

Ang pump prices naman sa Visayas at Mindanao ay mataas ng P5.00 o higit kada litro kung ikukumpara sa National Capital Region (NCR).