Pagkakaloob ng 2 ektaryang lupain sa mga informal settlers, kinontra sa kamara
In The Press
Posted on May 10th, 2011.
Source:
RMN NewsMINALIIT lang ni Gabriela Representative Emmi de Jesus ang plano ni Pangulong Aquino na bigyan ng tig-da-dalawanag ektaryang lupain ang mga informal settlers sa mga lalawigan para mabawasan ang malaking populasyon sa Metro Manila.
Ayon kay De Jesus, masyadong mapanlinlang ang plano ng pangulo para sa mahigit kalahating milyong informal settlers.
Katwiran ng mambabatas, karamihan sa mga lupain na sinasabing ipapamahagi ay mga gubat at nasa matatarik na lugar kung saan imposible ang pagsasaka at iba pang hanapbuhay.
Mas mabuti aniya na ibasura ng pangulo ang desisyon nito dahil tiyak na hindi ito susuportahan ng publiko.
Filed under:
Bookmark/Search this page with:

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket
