Mindanao bombings trial para sa Martial Law
Malaki naman ang hinala ng mga anti-Constituent Assembly (Con-Ass) group na kabilang sila sa mga binabalaan sa kaliwa’t kanang pambobomba sa Mindanao.Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza na nagsasagawa ang kanilang grupo ng kampanya laban sa Con-Ass sa pamamagitan ng serye ng speaking engagement sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
“Tila ang mensahe ng mga may pakana nito ay ba-lutin tayo araw-araw sa takot at kaguluhan,” ani Maza na naghain ng resolus-yon kahapon na nag-aatas sa House committee on public order na magsagawa ng aga-rang imbestigasyon.
“Hindi natin papayagang magwagi sila at ang kanilang mga balak dahil buhay at pagkatao natin ang nasasakripisyo. Kailangang puksain ang mga utak sa likod ng walang saysay na karahasang ito,” dagdag pa ng mambabatas.

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket



