Mga ospital hindi dapat singilin ang RN volunteers
NI: EYESHA N. ENDAR
NANINIWALA ang mga mambabatas na hindi dapat pagbayarin ng mga ospital ang nagboboluntaryong registered nurses sa mga pagamutan upang makakuha ng working experience.
Bunsod ito, naghain ng House Resolution ang Gabriela Women’s Party-list upang maparusahan ang mga ospital na nagsasagawa nito. Ayon kay Rep. Luzviminda Ilagan, ito na umano ang tamang panahon upang matigil na ang pananamantala ng mga ospital sa mga nurse na kumukuha ng working experience.
Sa ilalim ng House Resolution 861, magbabayad ng P500,000 at mabibilanggo nang hindi hihigit sa isang taon ang sinumang lalabag dito.
“It is only in the Philippines where a nurse who only wants to gain experience is required to pay while doing a full time job in the hospitals,” sabi ni Ilagan. Hindi umano makatarungan ang ginagawa ng nasabing mga ospital habang nakakukuha sila ng libreng serbisyo mula sa mga registered nurse ay kumikita rin sila mula sa mga boluntaryo.
Nanawagan naman si Rep. Emmi de Jesus kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino na pigilan ang pagsasamantala ng mga ospital sa mga registered nurse ng bansa.
“Hospitals that require payments from nurses who volunteer their service for free, degrade the service oriented skilled health care professionals,” ani de Jesus.
Dagdag pa ni de Jesus, nagbabayad umano ang mga registered nurse ng P3,000 hanggang P8,000 sa loob ng 3 hanggang 5 buwan upang magkaroon lamang ng sertipikong nagpapatunay na may experience ang mga ito.
Sa kasalukuyan, inaalagaan umano ng 1 nurse ang 40 pasyente sa mga government hospital. Ang tamang ratio umano sa ilalim ng Guidelines on the Licensure and Standards for Hospitals for Regulatory Officer ay mag-aalaga lamang ng 12 pasyente ang 1 nurse.

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket



