LPG at kerosene, isinulong ng ilang kongresista na isama sa hanay ng basic commodities
In The Press
Posted on March 13th, 2011.
Source:
DZMM OnlineIsinulong ng ilang kongresista na maisama sa mga tinatawag na basic prime commodities ang liquefied petroleum gas (LPG) at gaas.
Sa House Bill 4100 nina Gabriela Partylist Representative Emmy de Jesus at Luzviminda Ilagan, ikinatwiran ng mga ito na gaya ng ibang pangunahing bilihin, palaging gamit ang LPG at gaas.
Inalis anila sa Oil Deregulation Law ang kontrol ng pamahalaan sa presyo ng oil products, kabilang ang LPG at kerosene, kaya't apektado ang budget ng pamilya sa tuwing tumataas ang presyo ng langis.
Nais nina De Jesus at Ilagan na maamyendahan ang umiiral na Price Act at isama sa monitoring ng pamahalaan ang LPG at kerosene.
Report from Junry Hidalgo, Radyo Patrol 31
Filed under:
Bookmark/Search this page with:

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket



