LPG at Kerosene- ipinanukalang ihanay na sa Prime Commodities

Source: 
RMN News Online

Ipinapanukala ng ilang mga Kongresista na maisama sa mga tinatawag na Basic Prime Commodities ang Liquified Petroleum Gas (LPG) at kerosene.

Binigyang-diin sa House Bill 4100 nina Gabriela Partylist Representative Emmy de Jesus at Luzviminda Ilagan na gaya ng ibang pangunahing bilihin, madalas ring gamitin ang nasabing mga produkto gaya na lamang sa kusina upang makapagluto ng pagkain sa araw-araw.

Ikinatwiran din nila na apektado ang budget ng pamilya kapag nagkakaroon ng karagdagang pagtaas ng presyo ng langis.

Samantala, nais nina de Jesus at Ilagan na maamyendahan ang umiiral na Price Act upang maisama sa monitoring ng Pamahalaan ang LPG at kerosene.