Kongreso, dapat silipin ang Balikatan fund mess--solons
MANILA, Philippines--Nagpapatawag
ng imbestigasyon si Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s
Party Rep.Liza Maza tungkol sa umanoý pagbulsa ng P46-milyon pondo mula
sa Estados Unidos na nakatalaga para sa US-RP Balikatan Military
exercises.
Kasama ni Maza si Kabataan Party-list Rep. Raymond
Palatino, na naghain ngayon ng House Resolution 1160 na humihiling sa
House of Representatives committees on national defense and good
government na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa ibinulgar ni Navy
Lieutenant Senior Grade Nancy Gadian na winaldas umano ni retired Lt.
Gen. Eugenio Cedo ng bahagi ng pondo.
"An immediate and thorough
investigation on this alleged corruption involving high-ranking
military officers should start now in order to bring to justice those
who are accountable. Gadian should be encouraged to speak instead of
being gagged and harassed as her exposé concerns the very controversial
US-RP Balikatan exercises," ani Maza.
Nais din linawin ni Maza
sa pamunuan ng AFP ang shoot-to-kill order umano sa whistleblower ng
2007 balikatan scam, na sa ngayon umano ay nagtatago dahil sa takot sa
seguridad para sa sarili maging sa kanyang pamilya.
Naniniwala
naman ni CIBAC party-list rep. Joel Villanueva na isang banta para sa
mga susunod na whisteblower ang pagtatago ngayon ni Gadian.
"Ang
pagtatago nya ay parang threat sa mga future whistleblowers at threat
sa kagustuhan natin na mabunyag ang lahat ng korupsyon at katiwalian sa
pamahalaan," paliwanag ni Villanueva.
Nagpahayag din ng
pagkalungkot ang mambabatas dahil sa kabila umano ng mga katapangang
pinapakita ng mga whistleblowers na mabunyag ang anomalya sa
pamahalaan, sila pa umano ngayon ang nakakaranas ng mga pananakot at
pang-aabuso.
Nanawagan naman si Maza sa pamunuan ng AFP na imbes
pananakot at harassment sa pamilya ni Gadian, mas dapat umano nilang
pagtuunan ng pansin ang seguridad ni Gadian at mga anak nito.
"The
AFP should make certain the safety and protection of Gadian instead of
aggressively turning the tables against her," giit ni Masa. - Frontline.PH

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket
