Gabriela women’s partylist, kinalampag muli ang simbahan hinggil sa RH Bill
In The Press
Posted on June 12th, 2011.
Feature:
Source:
RMN News Online
NANAWAGAN si Gabriela Women’s Partylist Rep. Emmi de Jesus sa simbahang katoliko na bigyang pansin ang isinisigaw ng mga kababaihan na nais magsulong sa kontrobersyal na panukala na RH Bill.
Ito ay matapos igiit ng simbahan na inaaral pa nila kung may maayos bang lugar para pag-usapan ito o magsagawa ng dayalogo sa imbitasyong ibinigay ng Gabriela sa simbahan.
Ayon kay De Jesus kung talagang lumalaban sa kahirapan ang simbahan ay dapat makita nila ang kagandahan at ikalugod pa nga ang mga pro-poor provision ng nasabing panukala.
Dagdag pa ng mambabatas, kung maipapasa at susuportahan ng simbahan ang panukala ay halos kalahating milyong hikahos na nagdadalantao ang mabibiyayaan ng libreng pre-natal check ups sa loob ng siyam na buwang pagbubuntis nito.
Filed under:
Bookmark/Search this page with:

Delicious
Digg
StumbleUpon
Propeller
Reddit
Magnoliacom
Newsvine
Furl
Facebook
Google
Yahoo
Technorati
Icerocket



