Gabriela, Naghain ng Panukalang Batas para I-exempt ang Produktong Petrolyo sa E-VAT

Feature: 
Source: 
NBN Information Channel

Inihain ni Gabriela Women’s Partylist Representative Emmi de Jesus ang panukalang batas para i-exempt ang produktong petrolyo at prime commodities sa Expanded Value Added Tax o E-VAT.

Ayon kay de Jesus, isa ito sa mga nagpapahirap sa bulsa ng pamilyang Pilipino.Karamihan anya sa mga unang nakakaramdam ng epekto nito ay ang mga ina ng tahanan na labis na nahihirapan sa pagbudget sa maliit na kita ng kanyang asawa.

Wala rin umanong maitutulong para pagaanin ang buhay ng maralita ang dalawamput dalawang pisong dagdag sa cost of living allowance ng mga empleyado sa National Capital Region.

Hiniling ang umento sa sahod dahil sa epekto ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa world market.