.5M Katutubo Makikinabang sa RH bill

Source: 
Abante Tonite online

Agad na makikinabang ang may kalahating milyong mga katutubong kababaihan sa bansa na nabubuntis pero hindi nakakakita ng doktor hanggang sa manganak, kapag naipasa ang Reproductive Health (RH) bill.

Ito ang pahayag ni Gab­riela partylist Rep. Emmi de Jesus dahil karamihan aniya sa mga katutubong kababaihan ay hindi nakakatikim ng pre-natal check-up dahil hindi nila kayang magbayad sa doktor.

Ito ang dahilan kaya marami umano sa mga katutubo ang namamatay dahil sa kumplikasyon ng kanilang pagbubuntis at panganganak kaya sakaling maipasa aniya ang RH bill ay mareresolbahan ang problemang ito.

“If passed into law, an estimated half a million indigent pregnant women will be able to avail of free monthly pre-natal check-ups for the whole 9-months’ term of their pregnancy. Imagine the number of lives of both mothers and infants that this provision alone can save?” ani De Jesus.

Karamihan sa mga kababaihang ito ay nasa mga kabundukan pero kapag nagkaroon na aniya ng RH bill, maglalagay ang gob­yerno ng mga klinika sa mga nasabing lugar para mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Dahil dito, umapela ang mambabatas sa mga lider ng Simbahang Katoliko na bumalik na ang mga ito sa dialogue table upang maplantsa na ang mga hindi pagkakaunawaan sa nasa­bing panukalang batas.

by Bernard Taguinod

 

GWP EDITOR'S NOTE: BENEFICIARIES OF THIS PROVISION ON PRO BON REPRODUCTIVE HEALTH SERVICES DO NOT REFER TO INDIGENOUS WOMEN ONLY, BUT ALL INDIGENT WOMEN OR WOMEN FROM POOR FAMILIES AND MARGINALIZED SECTORS