IBOTO SA SENADO! LIZA MAZA ng Gabriela. Matapang, Makamasa.

Si Liza Maza ang makabagong Gabriela ng ating panahon— para sa babae, para sa masa, para sa bayan!

Matapang, masipag, masigasig, mapanlikha at tuluy-tuloy na ipinaglalaban ni Liza ang karapatan at interes ng mga kababaihan at ng mamamayan. Sa mahigit 30 taon niyang pagiging aktibista,nilabanan niya ang pang-aabuso, pambubugbog, rape, at iba pang anyo ng karahasan at di pantay na pagturing sa kababaihan. 

Hindi nabibili at hindi umaatras sa anumang laban para sa kababaihan, para sa masa at para sa Inang Bayan. Tapat at malinis siyang naglilingkod bilang progresibong Kongresista ng Gabriela Women's Party ng siyam na taon.

Si Liza Largoza-Maza ay tubong San Pablo, Laguna. Nagtapos ng BS Business Economics sa Unibersidad ng Pilipinas at naging guro ng Economics sa St. Scholastica’s College. Tulad ng ibang ina, mahusay na nagagampanan ni Liza ang kanyang tungkulin bilang mambabatas at mapagmahal na ina sa dalawang anak na lalaki.

BILANG KONGRESISTA:

  1. Isinulong niya ang karapatan at interes ng mga kababaihan at mga bata, manggagawa’t empleyado sa pamahalaan, magsasaka, OFWs, maralitang taga-lungsod, kabataan, katutubo at mga Moro, at ng mga bakla at lesbyana.
  2. Matapang na lumaban sa korupsyon, karahasan at panggigipit ng gobyerno ni Gloria Macapagal Arroyo.
  3. Awtor ng mga sumusunod na batas:
    • Anti-Violence in Women and Children Act (RA9262)
    • Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (RA 9344)
    • Anti-Trafficking in Persons Act (RA9208)
    • Magna Carta of Women (RA 9710)
    • Rent Control Act of 2009 (RA 9653)
    • Overseas Absentee Voting Act (R9189)
    • Public Attorney’s Office Act (RA9406)
    • Philippine Nursing Act (RA 9173)
    • Anti-Torture Law (RA 9745)
  4. Nagtamo ng mga sumusunod na pagkilala at parangal:
    • Nakalista siya sa World’s Who’s Who of Women
    • Naging tagapagsalita sa mahigit 35 bansa at sa United Nations
    • Gawad Pagkilala at Parangal Para sa mga Kababaihan sa Kongreso (2001)-

Outstanding Woman in Public Service Award (2005) mula sa National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW)

MAZA PARA SA MASA: Plataporma ni LIZA MAZA sa SENADO

M - Makabayang ekonomiya: Pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at maunlad na agrikultura; pambansang industriyalisasyon; insentibo sa negosyanteng Pinoy; pagbasura sa Automatic Debt Appropriation; mataas na badyet sa batayang serbisyo.

A – Abot-kayang bilihin at serbisyo: Pagkain at gamot; serbisyong pangkalusugan; edukasyon; pabahay.

S – Sahod na nakabubuhay at seguridad sa trabaho: Itaas ang sahod ng manggagawa; pagregularisa ng mga kontraktwal; karampatang benepisyo; proteksyon sa pondo ng GSIS at SSS members.

A – Aksyon para sa karapatan at kagalingan ng mga kababaihan: Proteksyon laban sa karahasan, pang-aabuso at diskriminasyon; pagpapaunlad ng kabuhayan; pantay at makabuluhang representasyon at partisipasyon sa gobyerno.

www.lizamaza4senator.com