Ang kinatawang ito, bilang isang endorser ng paghahabla kay Ombudsman Merceiditas Gutierrez, ay bumuboto ng yes sa House Resolution No. 1089.
G. Speaker, ayon sa Ulat ng Taong 2010 ng Tranparency International, sa loob ng sampung sunod-sunod na taon, ang ating bansa ay konsistenteng nagmamarka ng 3.0 sa perpektong 10 ng corruption perception index. Ito'y naglalagay sa Pilipinas sa ika-41 sa mga bansang pinakakurap sa buong mundo, ika-9 sa buong Asya at ika-4 sa buong Southeast Asia.
read more »