Manifestation para sa pag-amyenda ng RA9337

Bilang kinatawan ng Gabriela Women's Party, bibigyang-pansin ng pahayag na ito ang napakabigay na hagupit ng VAT sa mga kababayan nating mahihirap. hindi lamang dahil ang mga ina ang pangunahing naaapektuhan ng patuloy na pagbagsak ng antas ng pamumuhay ng mga maralita nating kababayan, kundi dahil inilalarawan nito ang hindi makatarungang pagpataw ng isang sistema ng pagbubuwis na may negatibong epekto sa ating mga kababayang walang hanapbuhay at hindi kumikita ng sapat para mabuhay ng disente ang kanilang pamilya.

Inatasan ng 1973 at 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ang Kongreso na bumuo ng progressive system of taxation, isang sistemang nagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga taong mas malaki ang kita. Ngunit mula sa mga nagdaang administrasyon hanggang sa kasalukuyan, regressive taxation system ang ukmiiral na sistema ng pagbubuwis sa bansa. Sa sistemang ito, nakapasan sa balikat ng mahihirap ang pagbabayad ng mas malaking buwis.

sang regressive na paraan ng pagbubuwis ang VAT dahil direkta itong pinapasan ng mga kababayan nating amhirap. Una itong pinatupad July 1987 sa sadministrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino nang isinabatas niya ang EO 273. Naipasok naman ito sa sistema ng pagbubuwis sa Pilipinas nang nilagdaan at isinabatas ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang RA 8424 na mas kilala sa tawag na Tax Reform Act of 1997.

Pinalawak ng RA8424 ang sakop ng mga bilihing maaaring patawan ng VAT. Kaya naman nagkaroon ng pataw na buwis mga batayang at pangunahing bilihin na siyang araw-araw na mas ginagamit ng mahihirap na pamilya tulad ng sardinas, mantika, tinapay, noodles, gatas, kape, asukal, damit, at gamot. Napakasakit na hagupit sa mahihirap ang 10% VAT. At lalo pang pinaigiting ang hagupit na ito nang pinirmahan naman ng dating pangulong si Gloria Arroyo noong Mayo 24, 2005ang RA 9337. Sa pamamagitan ng batas na ito, napatawan na rin VAT ang gasolina at iba pang mga produktong petrolyo.

Ayon sa IBON Foundation, kung walang VAT, P48.26 kada litro lamang ang presyo ng gasolina, at hindi P54.85; at P41.45 naman ang krudo. Simula noong 2011, 11 beses nang tumaas ang gasolina. At sa unag kwarto ng 2011, tumaas na ng 8.35 kada lito ng gasolina at P6.25 naman sa krudo. Kung aalisin ang 12% VAT sa gasolina, malaki ang matitipid ng mga mamimili. At may mailalaan na sila para sa iba pang mga gastusin sa pamilya. 

Sa pagtaas ng gasolina, apektado ang badyet ng mahihiraop na pamilya dahil kasabay ng opagtaas ng presyo ng gasolina ang pagtaas din ng presyo ng mga bilihin tulad ng tulad ng pagkain at LPG. At dahil maliit lamang ang kanilang kinikita, ramdam na ramdam nila ang bigat ng VAT. Ramdam na ramdam nila dahil napakaliit ng kanilang kita, hindi sapat uopang punan ang lahat ng mga pang-araw-araw na gastusin ng isang pamilya. Halos 9 sa bawat 10 mahirap na pamilya ang kumikita ng mas mababa sa minimum wage na P404.00. Napakalayo ng agwat nito sa nakabubuhay na kitang P983.00 para sa pamilyang may anim na myembro.

Kababaihan ang unang nalalatayan sa hagupit ng presyo ng mga bulihin at serbisyo dahil sila ang pangunahing nag-aasikaso sa badyet ng pamilya. At habang pilit nilang pinag-aabot angmagkabilang dulo ng kanilang pisi, kumokonti ang pagkain naihahain sa mesa, lalong lumiliit ang pagkakataon nilang makakuha ng mga serbisyong pangkalusugan, at nagiging luho na lamang ang pag-aaral para sa kanilang mga anak.

Sa survey na ginawa ng CWR noong 2009, 48.73% ng mga ina ang kabilang sa pamilyang walang kinikita, samantalang 15.23% naman ang galing sa pamilyang kumikita ng hindi hihigit sa P100.00 kada araw. Pjinagkakasya nila ang kanilang kita para sa araw-araw na gastusin sa pamamagitan ng pagbabawas ng badyet sa pagkain, ang iba naman ay dalawang beses sa isang araw na lamang kumain. At mayroon ding mga pamilya na kumukuha ng pagpag sa mga basurahan ng fastfood chain. Pagpag ang tawag nila sa mga pagkain nakukuha sa mga basurahan dahil pinapagpag nila ito upang maalis ang mga duming kumapit dito saka nila iinitin bago kainin ng pamilya.

Ang VAT ay dagdag na pasanin sa mahihirap nating kababayan. Tinatanggal nito ang kakayahan nilang bumili ng pagkain at iba pang mga pang-araw-araw na pangangailangan. tinatanggal nito ang kakayahan nilang mabuhay ng disente. At sa katagalan, ibabagsak nito ang ekonomya ng PIlipinas dahil wala nang kakayahang bumili ang mas nakararami nating mga kababayan.

Sa halip na magpataw ng VAT, iminumungkahi ng mga kababayan nating mahihirap na muling pag-aralan ang sistema ng pagbubuwis sa bansa at solusyunan ang patuloy na pag-iral ng katiwalian. Sa pag-aaral na gunawa ng National Tax Research Center, 20-30% o P215 hanggang P285 bilyon ng pambansang badyet ang napupunta sa katiwalian. Kung maaayos ng pamahalaan ang problemang ito, sapat na sapat ang ating badyet at hindi na kailangang magpataw ng VAT lalo na sa mga batayang pangangailangan at pangunahing bilihin na kinokonsumo ng mahihirap nating mga kababayan.

Kaya nga inihain ng Gabriela Women’s Party sa ika-15 Kongresong ito ang isang panukalang batas na nag-aamyenda sa Section 4 ng RA 9337. Inaalis ng panukalang batas na ito ang imposisyon ng VAT sa mga batayang pangangailangan at pangunahing blihin, pati na rin sa nga produktong petrolyo. Bagama’t ang hakbanging ito ay pansamantalang solusyon lamang, mababawasan nito ang bigat ng hindi makatarungang pagbubuwis sa mahihirap nating kababayan.

Maraming salamat po at magandang hapon sa ating lahat.

Tags: 
Congress: 
Speech Type: