Rep. Arlene Brosas: Explanation of NO vote on the extension of martial law in Mindanao

Thu, 08/03/2017 - 17:59 -- gwp_prop

Mr. Speaker, amid the military’s failure to substantiate its reports of rebellion across Mindanao and threats to public safety with factual basis, the martial law declaration itself stands out as the clear and present danger to the people of Mindanao. Martial law has licensed the full-blown militarist approach that has displaced over 300,000 families in Marawi and thousands more in other Mindanao provinces. Ibig sabihin lang, ang martial law ang pinakamalaking panganib at banta sa kaligtasan at karapatan ng ating mga kababayan. Paano kung gayon magiging lunas ang isang bagay na lalong nagpapalala ng sakit?

Mr. Speaker, mabigat sa puso ang naging pagbabahagi kanina ng isa nating kapatid na Moro kaugnay ng sinapit ng mga kababaihan at batang Maranao sa ilalim ng martial law. At nakakagalit na sabihin ng mga pinuno ng militar na walang human rights violations. Talaga po bang nagkaroon ng comprehensive assessment on the ground? Mahirap po itong paniwalaan.

Mr. Speaker, sinabi kanina ni AFP chief of staff Eduardo Año na ang pagsecure ng kaligtasan ng mga sibilyan ang primaryang objective sa Mindanao. Subalit mahirap paniwalaan ito. Saksi ako sa epekto sa sibilyan na dulot ng batas-militar sa mga kababayan natin sa Mindanao, bilang bahagi ako ng National Interfaith Humanitarian Mission (NIHM) na isinagawa mula June 13 hanggang 15. Personal kong nasaksihan ang kalagayan sa mga designated at home-based evacuation sites, kung saan kalakhan ng apektado ay bata at kababaihan. Sinabi nila mismo na ang military air strikes ang pangunahing sanhi ng kanilang paglikas. At may aktwal na namatay sa operasyong military na ito. Nasawi ang isang 55 anyos na Maranao at ang kanyang 25 anyos na anak. At kahit mismo mga kasundaluhan ay damay sa walang habas na pambobomba na isinasagawa sa Marawi. 13 sundalo ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na insidente. Kung ganito ang resulta ng isinasagawang operasyon, paano tayo magiging kampante na walang iba pang nadamay na sibilyan? Paano tayo maniniwala sa sinasabi na safety of civillians ang primary objective ng martial law?

Mr. Speaker, isinasagawa rin ang airstrikes sa North Cotabato at Bukidnon, kung saan wala namang aktwal na rebelyon. At kahit walang aktwal na rebelyon, may isang sibilyan ang nasawi bunga ng air strikes, at ilandaang pamilya ang nagsilikas. Pero walang napatay o nahuli na terorista sa North Cotabato at Bukidnon. Is the military overstretching the claim of rebellion merely to justify its intensified attacks on the people? Malinaw po na sibilyan ang pangunahing apektado sa isinasagawang operasyon na ito.

May mga pangalan at mukha ang biktima ng martial law sa Mindanao. Samantala, tila nanghuhula ang militar sa ulat nitong rebelyon at banta sa seguridad ng publiko. Sinasabi ring kailangan umano ng martial law extension para sa stability for reconstruction and rehabilitation. Gusto kong idiin na hindi ito konstitusyonal na batayan para magpataw at mag-extend ng proklamasyon ng martial law.

Mr. Speaker, Congress should put an end to the extraordinary powers that is martial law, and the grave abuses that come with it. Malinaw ang tindig ng Gabriela Women's Party dito: No to martial law extension! Defend human rights! At kailangang may managot sa mga abuso sa karapatang pantao sa ilalim ng martial law. #

Legislation Type: